-
Day 35 - A Day Full of Adventure
So, today is Saturday. Meron kaming CAT. Officer ako. Pero sa dahil hindi pa ako nakakapag-ayos para sa inspection, pinlalo kong pumasok ng maaga. hindi naman ako nabigo. Umalis ako ng bahay ng 6AM, so estimated 6:15AM ako makakarating ng PUP. Pagdating ko ng boundary ng Manila at QC sarado na ang daan. So, okay pa kasi may maiikutan pa. Tapos pagbaba ko, nagulat ako sa aking nasaksihan. Aba, ang aga aga traffic. Pinahinto pala yung mga sasakyan dun sa stop light ng Stop and Shop. Tapos pati yung pedestrian lane bawal tawiran. Sabi nung pulis, dun daw ako sa overpass sa Altura dumaan. WTF! Ang layo ng lalakarin koooooo. So, wala naman akong magagawa, lumakad ako, inakyat ko yung overpass tapos naligaw pa ako dun sa shortcut. At dumaan ako sa riles ng PNR Train. Ang may sala, shooting ng Born Legacy. Nice. Finally, nakarating akong PUP. Grabe nga lang. Ok naman ang training ngayon. Tapos, nagOJT ako. After kong mag-out, nakipagbonding ako sa mga kabatch ko. Tas nung pauwi na kami, akala ko wala na yung pesteng shooting na yun. Aba! Nandun pa pala. Tapos yung tawiran ay nilagyan nila ng mataas na halaman. Edi lumakad kami papunta dun sa kabilang tawiran, ayun, may halaman din. Tapos, no choice. Inakyat namin yung halaman. Buwis buhay yung pagtalon kooooo. Wooo. ~ Tapos sarado pa din yung daanan kaya ayun. Naglakad ako mula PUP hanggang bahay namin. Ang saya diba? :DDDD