-
Day 12 of 366
I so love this day. <3 Ewan ko. May kakaiba sa araw na ito na wala sa ibang araw. Nagsimula ang magandang araw ko kaninang Physics class. Ang ganda kasi ng lesson. Waves. :D Tapos edi yun. Hindi ako nakatulog. Next, breaktime. Kadaldalan ko si Jonas habang kumakain. After ng breaktime, English. E wala si Ma’am del. Ayun edi free time na naman. Next is World History. Isa pa to. Naenjoy ko din yung mga topics kanina. :) Tapos isa sa nagpasaya ng araw ko, hindi ako masyadong nagcram kanina kasi tapos ko lahat ng homeworks! Sabi na e. Pagbubuksan ko na ng pinto si Kasipagan. After ng world history, napag-isipan kong tumambay sa CAT Room. Ayun. Pinagtripan ng S3 at A1 namin yung Corps Commander namin habang tulog. :D Ayun. Tapos may libreng Cheeseburger pa galing sa DepCor namin. :D Odba? After an hour na pag-aantay, practice na ng LHS CHORALE! Feeling ko, ang saya saya talaga kanina. Nameet namin si Roland, the keyboard. :D Inaral ang Forevermore. Nagmeeting para sa DAVAO. Yey! Tapos, sa last song, ewan ko, pero nafeel ko na ang ganda ganda talaga. Lead me, Lord. :D Ewan. Pero ang saya saya ko habang kinakanta yan kanina. Siguro puno kasi talaga ng emotions nung kinakanta namin. :) Yannn. Tapos nakita ko pa yung album namin sa OJT. Mainam. Ayun. Hindi ko alam kung ano ang main source ng happiness ko ngayong araw. Pero, masaya talaga ako. :D