-
Day 9 of 366
Ayan. Heto ako ngayon. Napagdesisyunan na gumawa ng daily journal sa Tumblr. :D Nagsimula ang araw ko around 6am sa isang text na nagtatanong kung may pasok o wala. Syempre kakagising ko lang kaya confident pa ako sa pagsagot ko na meron. Tapos nung nabasa ko yung mga sumunod na text wala pala. So, nag-online ako agad. Sabi naman sa official page ng PUP, meron daw. So, naguluhan na ako. Sabi naman nung mga schoolmates ko na nasa gate, hindi nagpapapasok yung guard. So, nag-antay ako ng iba pang updates. Hanggang sa nagpost uli ang official page ng PUP, wala na daw pasok declared by OIC Atty. dela Rosa. :D YEY! Party na naman. Kahit nageffort talaga ako gumawa ng homework at magreview the night before. So, ayun. Edi, palamunin na naman ako dito sa bahay. AHAHA! Ayun. Natulog lang ako buong araw. Paggising ko kain agad. :D Tas eto ako ngayon. :3 Everyday na nga ako magjournal. Wala na akong maisip. Bukas nalang uli. :3 Sana maganda ang araw ko. :D